Saturday, September 12, 2009

Legendary facebook status

Prologue
August 6, 2009.“Earlier this morning, Facebook encountered network issues related to an apparent distributed denial-of-service attack, that resulted in degraded service for some users,” responded Facebook spokeswoman Kathleen Loughlin via e-mail.
http://www.wired.com/epicenter/2009/08/facebook-apparently-attacked-in-addition-to-twitter/


Walang nakaalala kung ano at kung saan nagsimula. Sa sobrang dami ng comments at nagadd sa user na ito ay hindi na nakikita ang kanyang profile.

Nagsimula ang lahat ng maiisipan ng isang nilalang na maglagay ng status update na 'RSJ'.

August 05 11:30 PM

'RSJ?' comment ng isang malapit na kaibigan.
'Huh?' sunod ng isa.
'RSJ? LOL'
...

sunod-sunod na ang comments makalipas ang ilang segundo. Di nagtagal ay sobrang dami ng 'Huh?' .Nagumpisa na ding eadd ng mga user sa facebook ang nagpost ng status update para makicomment na din.


August 06 12:44 PM

Dumami ng dumami ang mga comments bawat minuto, mahigit million na user na ang nakialam sa status update. iba't ibang religion, nationality, paniniwala. lahat nagbigay ng kanya kanyang opinion. Kanya kanyang haka-haka,

Dahil sa magkakasalungat na paniniwala ay nagumpisa ng magaaway away ang mga tao!!! lumutang na ang mga conspiracy theories kung ano ang dahilan at layon ng nasabing status update!!.

Ayon sa PWET Philippine-Western Samoa Extraterrestrial team. Ginawa ito ng mga sinasabing 'Alien' para malito ang mga tao at mawalan ng pandaigdigang depensa. Ayon sa leader ng nasabing groupo, ito ay isang 'Beacon' sa pagdating ng mga pwersa ng mga nasabing alien.

'Winawasak ng internet ang realidad! Ang mga 'social networking site' na ito ay bumubulag sa mga mata ng tao para di makita ang totoong mga nangyayari! Tayo ay mga tao at dapat gamitin ang mga binigay saatin ng diyos upang makipag socialize!! hindi gamit ang computer!! akala niyo lang mas napapalapit tayo, hindi!! hindi!! akala niyo lang yun..'

sinasakop na tayo ng mga alien!! weeeee' Dagdag ng PWET, during a phone interview

Ayon naman sa NASA. ito ay ang pinaka asteeg na equation ever.
Gamit ang wikipedia, nalaman nila na

value ng R

The R value or R-value is a measure of thermal resistance [1] used in the building and construction industry. Under uniform conditions it is the ratio of the temperature difference across an insulator and the heat flux (heat flow per unit area, \dot Q_A) through it or  R = \Delta T/\dot Q_A. The bigger the number, the better the building insulation's effectiveness[2]. R-value is the reciprocal of U-value.

ayun sa mga experto sa NASA, di pa nila magoogle ang value ng S at J.
Sa kanilang opinion , ito ang pinakahihintay na scientific equation na magpapatunay na may diyos..Ang God equation

Nagulantang ang Santo PaPa sa balitang ito at kasalukuyang maglalabas ng video sa youtube.

Nagagalit naman ang Japanese goverment dahil ang ibang comment ay nagsasabi na galing sakanila iyon. LSJ daw talaga ito subalit di nila kaya mapronounce kaya RSJ. RSJ!!!

Sa isang makapangyarihan na bansa ay may isang pag-uusap ang na record.
'Mr. President, Mr. President. We have to report a dire news sir. God have mercy' *tinakpan ang bibig at pinigil ang pag-iyak.
kzzzzt

Habang lahat ito ay nangyayari, sa kabilang dako ng mundo ay may isang lalaking nakangiti at mahimbig na natutulog.

August 06 06:54 PM

Nagkaroon ng cold war sa internet. Ang mga lider ng mga makakapanyarihang bansa ay lahat nagmumurahan. Nagbago ang lahat ng magcomment ang Lider ng North korea na maglalaunch sila ng nuclear assault sa US dahil nainsulto sila sa mga comment nito.

Sinagot naman ito ng ibang bansa na gusto ding magpaulan ng armas nuclear.

Para mabawasan ang tension ay pumayag ang facebook na pansamantalang pabagalin ang kanilang website at tanging mga lider lang ang makaacess at makakacomment sa nasabing status update.

August 06 06:56:10 PM

Nagumpisa na ang countdown sa all out nuclear assault ng iba't ibang bansa...
10

9

8

May isang lalaking napahikab at binuksan ang kanyang computer

7


6

nakita niya ang facebook niya at million na ang friends kahit di niya inaaccept.

5


4

Nagcomment siya sa status na ..'Aha!!! mga tanga!!! ang RSJ ay recall sabay...'

3

2

RSJ
1.5

Nabasa ito ng mga lider at lahat ng comment ng:

'LOL'

nahinto na ang countdown. The world as we know it was saved by a comment on a status update.



Epilogue

Isang interview kay ex- President Estrada.

Tatakbo ako sa susunod na election, kunwari muna hindi, gagawa muna ako ng pelikula.
Ang Pilipinas parang facebook. Kanya kanyang status.Nasa sa tao nalang talaga kung babaguhin niya ang status na to. Kahit maging president ako di ko naman mababago ang status nila. pwede lang ako magcomment.diba? ...*napatawa

'Ano po yung Sir Erap?'

'May naaalala lang ako kaninang umaga'

the end.yeh!!